<body> <body>


My Summer of Love: The most dangerous thing to ask for is more.
Oktubre 2, 2007 10:10 PM

Unang sampu

Sa ilalim ay ang unang sampung pelikulang gumimbal sa aking buhay. Maaaring ang ilan sa mga nakalista ay hindi ang pinakamagandang pelikula na napanood ko. Nakabase ang ilan dito kung nag-enjoy ba ako habang pinapanood ang mga ito at di na inalintana ang mga mali at pagkukulang sa pagkakagawa ng pelikula.

10) Harry Potter and the Goblet of Fire - aminado ako na hindi maganda ang pagkakagawa sa pelikulang ito (meron ba naman HP movie na maganda pagkakagawa?), ngunit kung ibabase sa iskrip, panalo ang pelikulang ito para sa akin. Sino ang makakalimot sa eksena sa Wizengamut?(Wizard trial court).

Karkaroff: There is a name
Crouch: What is it?
Karkaroff: I know particularly that he is responsible for the capture and torture of aurors Alice and Frank Longbottom!
Crouch: The name! Give us the wretched name!
Karkaroff: Barty Crouch! (everybody gasps, Rita Skeeter's being the most notable)
Karkaroff: (bulong) junior

Panalo talaga itong eksena na ito, at maganda talaga ang iskrip ng pelikula. Maski yung ancient spell upang magkaroon ulit ng katawang tao si Voldemort, hindi iyon yung eksaktong spell ni JK Rowling mula sa libro, binago nila ng kaunti ngunit mas maganda ang lumabas.

9) Pepe en Pilar- Old pinoy comedy, sino ba naman ang hindi makakahindi dito. Pinagbibidahan ni Gabby Concepcion at Maricel Soriano

8) So Close- Sino ba naman ang ayaw ng Hongkong action. Dinerehe ni Corey Yuen, natatawa lang ako sa fight scenes pero atleast, naging masaya ako habang pinapanood ang pelikula.

7) Just Like Heaven- pinatunayan lang ng pelikulang ito na kayang dalhin ng karisma ng mga bida ang isang storyline na ginaya ng walang kahihiyan. Tsaka bagay kasi ang tauhan ni Mark Ruffalo at Reese Witherspoon.

6) My Summer of Love- mabigat sa damdamin, kung ayaw mo ng pelikula na kailangan mo pang mag-isip, wag mo ng panoorin ito. Pero ang ganda ng pagkakagawa niya, parang siniryoso talaga ng direktor. Pinagbibidahan ng paborito kong aktres na si Emily Blunt. Mamaya makikita niyo pa siya.

5) Star Wars: A New Hope- nakilala natin si Luke at Princess Leia, pati na si Han Solo. Isa sa pinakamatagumpay na serye ng mga pelikla ang naipanganak nito.

4) Star Wars: Empire Strikes Back: hinarap ni Luke si Darth Vader at naputulan ng kamay. Na-carbonite freeze si Han Solo, ngunit mabuti na lamang at nag-aminan na sila ni Leia ng kanilang damdamin sa isa't isa.

3) Star Wars: Return of the Jedi: nagbalik si Anakin Skywalker, namatay si Palpatine at higit sa lahat, narinig ni Han Solo ang pinakamagandang balita: kapatid ni Leia si Luke! Maaaring hindi si George Lucas ang pinakamagaling na writer pero wala na akong pakialam. Nang ipinasok nya ang anggulo ng pagmamahalan ni Leia at Han, wala ng usap, sinamba ko na ang original trilogy.

2) The Devil Wears Prada- Kabisado ko na ang iskrip ng pelikulang ito! Araw araw ko ba namang panoorin noong bakasyon. Maaaring dinala ni Meryl Streep at Emily Blunt ang buong cast ngunit yun ang punto ko, ang galing nilang dalawa. Isang rebelasyon si Emily at alam naman nating lahat na si Meryl ang pinakamagaling na aktres na nabubuhay. Maganda rin ang pagka-karakter kay Miranda Priestley. Sa nobelang pinagbasehan nito, si Miranda ay palasigaw na amo, ngunit dito.....wow....ang ganda pa ng iskrip. Tsaka noong eksena na nasa loob ng kotse si Miranda at Andy, sinasabi ni Andy kay Miranda na hindi niya magagawa ang ginawa ni Miranda kay Nigel. Ng sabihin ni Miranda: You already did, to Emily...hindi ko alam, parang binaligtad ang mundo ko. NApakamakapangyarihan ng eksena na iyon.

Miranda: There is some reason my coffee isn't here, has she died or something?

1) Tinimbang Ka Ngunit Kulang- Yun na. Period.

|
Inosente lang ang nagtataka.

MABUHAY!

Maligayang pagbuklat sa Alamat ng Hari!

Dahil bawat isa sa atin ay may pinagmulang nararapat lamang balikan, tayo ay may isang alamat na nagbibigay kulay sa halu-halo nating pagka-Pilipino!

Ang Alamat ng Hari ay isang blog na naglalayong maging tulay ng lumang tinig sa makabagong daigdig. Ito ay naglalaman ng mga akdang pampanitikan, mga tala sa pang-araw araw na buhay ng may-akda at kung anik-anik pa.

ANG BINUKOT



Si Giselle Diaz ay kasalukuyang nasa ika-apat na taon sa Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham. Siya rin ang punong patnugot ng Lagablab, ang opisyal na pahayagan ng nasabing paaralan sa Filipino.

I-Emerald
II-Adelfa
III-Cesium
IV-Graviton

Mga Ugnayan

Jay Fidelino
Sir Martin (Akomismo)
Janella
Paula Tayo
Chan Chan


Lumang Tinig

September 2007
October 2007


Mga Hibik




CREDITS

Layout * Ariane
Image * devianART
Program * Adobe Photoshop CS
Fonts * Carpenter ICG
& Times New Roman
Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com