<body> <body>


Setyembre 25, 2007 8:04 PM

Unang sampu

Eto ang unang sampu na paborito kong mga bagay

Paboritong Awit

10) Collide - Howie Day
9) Walk Through the Fire - Once More With Feeling
8) Zombie - Cranberries
7) Same Ground- Kitchie NAdal
6) Spoliarium-Imago
5) Taralets - Imago
4) You Oughta Know - Alanis Morisette
3) Head Over Feet - Alanis Morissette
2) Ode to My Family - Cranberries
1) Promises - Cranberries


Medyo OP yung taralets....pero cute na cute ako sa kantang to. At yung Collide ni Howie Day ay bago ko lang nadiskubre...salamat sa isang napaka astig na video sa Youtube.


Saka na lamang yung unang sampu ng ibang bagay. Marami pa kasi akong gagawin.

|
Inosente lang ang nagtataka.


Setyembre 18, 2007 8:43 PM

Marunong ka bang magsulat?

Napakahalagang katangian ng isang manunulat para sa akin ay ang kakayahang makinig. Lalo na sa pagsulat ng editoryal. Dapat ay parati kang nakikinig sa sinasabi ng ibang tao upang masuri mo kung may laman ang kanilang mga salita. Dito ka ngayon kukuha ng halimbawa, sa iyong mga naririnig.

Kung mahalaga ang pakikinig ay lalong mahalaga ang pagbabasa. Sa aking palagay, hindi talaga kayang matutuhan ang pagsusulat sa loob ng ilang araw lamang. Kung paano ka sumulat ay produkto lamang ng lahat ng nabasa, narinig at nakita mo simula noong bata ka pa. Dito ka huhugot ng kung ano man ang sinusulat mo. Ngunit ang sinulid na may kakayahang maghabi sa iyong mga karanasan sa paraang mapaglinlang, dito na papasok ang talento. At di lahat ay meron nito.

Gaya ng nakasaad sa taas, ang pagsusulat ay ang sinulid na may kakayahang maghabi sa mga pang-araw araw na karanasan sa paraang mapaglinlang.

At ang galing ng Grav at Electron!

|
Inosente lang ang nagtataka.


Setyembre 17, 2007 7:16 PM

Sayaw Interpretasyon

Kanina ay natapos na rin sa wakas ang sayaw interpretasyon at hindi nanalo ang Graviton. Ay mali, hindi pala kami natawag sa stage. Yun lang, pero duh. Hindi na highlight yung judging part kasi isang malaking WEH! naman yun eh. Tsaka, hindi ko naman hiniling na maka-place sila. Hiniling ko lang na gawin nila lahat ng binilin ko sa kanila. Hiniling ko lang na makasindak at makamangha sila ng ibang tao. Hiniling ko lang na sila ang maging pinaka-magaling kanina, bagay na natugunan naman nila.

At masaya rin dahil natupad ang pangarap kong intermission number, kahit naunahan kami ng Gluon at mukhang nanggaya lang kami (pero matagal naming prinaktis yun!).

|
Inosente lang ang nagtataka.



Setyembre 16, 2007 7:15 PM


Laso at ACET


Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang nadarama ko sa ngayon. Bukas ay gaganapin na ang patimpalak ng sayaw interpretasyon at kinakabahan ako, dahil kapag nagkalat kami bukas, kasalanan ko ang lahat. Kanina pagkatapos kong mag eksamen sa Ateneo de Manila para sa Ateneo College Entrance Test (ACET) ay dumaan ako sa palengke ng Malolos upang mamakyaw ng laso na aming gagamitin para sa mga costumes bukas. Naka tatlong daan ako kasama na ang ibang abubot na binili ko. At ginawa ko na rin ang top hat ni Uncle Sam, bukas na lang namin pipinturahan nila Kring.


Wala akong masyadong nabanggit tungkol sa ACET kaya eto. Ngayong araw lang ako dapat luluwas, mga alas kwatro ng umaga ngunit nawalan ng kuryente kagabi kaya napilitan kaming mag-anak na lumuwas sa condominium na may ilaw. Hindi rin ako nakapag aral, dahil maghapon kaapon ay nakatulog lang ako. Marahil dahil kahapon lang ako nakapag-pahinga buong linggo, dahil sa binubuo namin ang sayaw. At eto pa, inuna ko ang pag-papa-facial at spa kahapon kaysa sa pag-aaral para sa ACET. Pero ayos na rin dahil relaxed ako kanina habang nag-e-eksamen. Yun nga lang ay inatake ako ng buo kaya nakahihiya sa mga katabi ko. Kasama ko sa kuwarto si Ate Reggie at ang aking soulmate na si Pierre (maging kanina ay di ko pa rin siya nakakausap). Namataan ko rin sina Gabby, Crisby at tissue paper.


Ayun, at umuwi na nga kami upang makabili ng laso. Bukod sa laso, bumili na rin ako ng sangkaterbang ponytail, hair pin, pardible at mga abubot ng dahon. Cute yung mga dahon pag nakita nyo sa ulo ng mga babae bukas.

|
Inosente lang ang nagtataka.


Ang kabalintunaan ng buhay at kamatayan


|
Inosente lang ang nagtataka.


Setyembre 14, 2007 9:04PM

Haiku

Ito ay ilan sa mga haiku na aking ginawa

Upos sa lupa
Bote na walang laman
Iyo ang mundo

Isa pa

Lamig ng rehas
Camiang bumubukadkad
Tila nanunuya

At isa pa. Ito ang paborito ko sa lahat.

Pinto'y pininid
Ng kartero'y dumating
Return to sender

|
Inosente lang ang nagtataka.



Setyembre 14, 2007 8:23 PM

Sayaw Interpretasyon

Nabuo na namin ang aming sayaw interpretasyon bagaman kailangan pang gawing pulido ito. Atleast hindi na kami magkakalat sa Lunes. Dahil natapos na namin, binigyan ko ang Grav ng tatlong premyo, ang papaya song, beautiful girl at siyempre, big girls don't cry. Gabi gabi pagkatapos ng practice, kapag natuwa ako sa kanilang performance ay papayagan ko silang magsaya ng big girls don't cry.

Natutuwa ako at nasunod ang mga balak ko ngunit nalulungkot dahil marami akong mamimiss na bagay sa practice namin sa Graviton. Isa na nga rito ang nakasaad sa taas na mga "price dance", siyempre, kasama dito ang "partnerships" ngunit higit sa lahat, ang pinaka mamimiss ko ay ang sabay sabay naming paglalakad papunta sa front lob gabi gabi.

Di bale, may Paskorus pa!

|
Inosente lang ang nagtataka.


Setyembre 11, 2007 8:05 PM

Ngayon ay ika-anim ng anibersaryo ng 9/11 attacks sa Twin Towers sa New York. Kay bilis nga namang dumaan ng panahon, parang mahirap paniwalaan ang uniform time na nagsilbing framework ng Newtonian Physics. Ngunit hanggang dito nalamang ang sasabihin ko. Dahil hindi ko gaanong naiintindihan ang magkaibang panig, wala akong karapatang magsalita. Lalong hindi ako magsasalita dahil lang sa ayoko kay Bush.

Ngayon din ay kaarawan ni Marcos, coincidence ba? Yan ang hindi ko masasabi. Isa lang ang masasabi ko sa araw na ito. Napagod ako sa practice para sa sayaw interpretasyon. Kahit mahirap pa ring pasunurin ang bad people as ever, pwede na rin. Isa pa, ang galing ni David, feel na feel!

|
Inosente lang ang nagtataka.


Setyembre 10, 2007 9:46PM

Tanaga

Ito ay isang tanaga na ginawa ko noong ako ay 3rd year HS. Ang tanaga ay binubuo ng apat na linya na may pitong pantig ang bawat isa.

Sa Simbahan

Sa loob ng simbahan
Doon ang kaligtasan
Kapag lumabas naman
May pilay sa hagdanan

|
Inosente lang ang nagtataka.



Setyembre 10, 2007 8:41 PM

Bloggers Kapihan 1

Noong nakaraang Sabado, nagpunta ako sa Bloggers Kapihan 1 na ginanap sa ASTB AVR sa Pisay bilang isa sa mga kinatawan ng aming pahayagan (Lagablab). Kahit na hindi ako kasapi ng patnugutan ng balita, naging mapalad ako dahil napili akong isama ni Ada (Patnugot ng Balita). Bukod kay Ada, kasama ko rin si Mac Mac, Jay at Llenel.

Hindi ko inakala na magiging kapaki-pakinabang ang pagdalo ko sa Bloggers Kapihan 1. Aaminin ko, ang tanging inabangan ko lamang rito ay ang pagsasalita ni Manuel L. Quezon III. Bukod sa kawindang-windang niyang rebelasyon, marami pa akong ibang natutunan mula sa mga nagsalita. Nalaman ko na isang mahalagang paraan pala upang ipahayag ang sarili sa mundo ang pagblo-blog. Para akong binatukan sa ulo ng mga speaker. Wala na nga pala akong dahilan upang ipagpaliban ang pag-abot sa aking mga kalahi dahil sa pinaka-pambihirang imbensyon ng milenyo: ang internet. At dahil din sa pagkakabatok sa akin, naipanganak ko ang blog na ito. Sana ay maging malayo ito sa basurang kinahantungan ng dati kong blog(http://www.jewelofearth.blogspot.com/ , wag nyo na puntahan).

Sana ay suportahan niyo ang mga susunod na proyekto ng Bloggers Kapihan at sama sama nating baguhin ang mundo.

P.S. Hehe. Nakita ko si Maki.

|
Inosente lang ang nagtataka.

MABUHAY!

Maligayang pagbuklat sa Alamat ng Hari!

Dahil bawat isa sa atin ay may pinagmulang nararapat lamang balikan, tayo ay may isang alamat na nagbibigay kulay sa halu-halo nating pagka-Pilipino!

Ang Alamat ng Hari ay isang blog na naglalayong maging tulay ng lumang tinig sa makabagong daigdig. Ito ay naglalaman ng mga akdang pampanitikan, mga tala sa pang-araw araw na buhay ng may-akda at kung anik-anik pa.

ANG BINUKOT



Si Giselle Diaz ay kasalukuyang nasa ika-apat na taon sa Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham. Siya rin ang punong patnugot ng Lagablab, ang opisyal na pahayagan ng nasabing paaralan sa Filipino.

I-Emerald
II-Adelfa
III-Cesium
IV-Graviton

Mga Ugnayan

Jay Fidelino
Sir Martin (Akomismo)
Janella
Paula Tayo
Chan Chan


Lumang Tinig

September 2007
October 2007


Mga Hibik




CREDITS

Layout * Ariane
Image * devianART
Program * Adobe Photoshop CS
Fonts * Carpenter ICG
& Times New Roman
Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com