Oktubre 07, 2007 6:56 PM
Med School pala haBaka iwan ko na rin ang blog na ito. Napansin ko kasi mas marami akong magagawa kung nasa wordpress ako. Kanina ay nanalo na naman ang idol ko na si Pacman. Kahit hindi niya napabagsak si Barrera ay masaya na rin ako. Higit ko pang inabangan ang pagkanta ni Kyla ng Lupang Hinirang. Si Christian Bautista kasi, kinabahan talaga ako baka magkamali rin si Kyla, mabuti na lamang at tama na ang titik niya, tama pa ang musika na inilapat niya. Nakakaasar kasi yung mga ibang kumakanta na pilit iniiba ang tono ng ating pambansang awit.
Noong Biyernes ay nanood kami ng kapatid ko ng Are You Smarter Than a 5th Grader. Hindi kami makapaniwala na hindi alam ng kalahok ang ibig sabihin ng perfect square. Lalo kaming nagimbal ng malamang doktor pala ang Amerikanang kalahok. Nagkatinginan na lamang kami ng kapatid ko at nagkasabay na sinabing: med schools pala ha! Eat your heart out Teri Hatcher!
|
Inosente lang ang nagtataka.