Oktubre 2, 2007 7:38 PM
Tinamaan ng Katamaran
Lubhang mahirap ang wala kang ginagawa. Masakit sa katawan ang maging batugan, taong bahay, palamunin. Ngunit higit na mahirap ang wala kang ginagawa kung maraming bagay ang naiatas sa iyo. Noong isang linggo, kinagat ako ng putakte na kung tawagin ay katamaran. Ilang beses kong sinasabi sa sarili ko na tatapusin ko na ang sanaysay na isang kahingian sa English, ngunit gabi gabi rin ay wala akong ginawa kundi magbasa ng fanfiction. Alam ko, napakatamad ko, kaya kahit kaya kong gawin, nauuwi sa wala.
Sa hindi nakaaalam ay kaarawan ko noong huling Huwebes. Masasabi ko na ito ay isa sa pinakamasaya kong kaarawan. Nag-uugat ang aking nadama dahil sa masaya ako sa aking elective na napili, ang Filipino Journalism 2, at dahil pakiramdam ko ay tanggap na tanggap ako sa Graviton. Kaya naman, marapat lamang siguro na i-blow out ko ang mga bagong pamilya kong ito. Naging makabuluhan din ang pagdalo ni Sir Alfer sa aming munting party sa FJ2 bilang panauhing pandangal. Siya ang nagfacilitate ng tape cutting ceremony (yung tape sa box ng pizza). Patawarin ninyo ako kung wala akong maipakitang mga larawan. Sa susunod na mga post ko na lang.
Nais ko rin batiin ng belated Happy Birthday si Kim Abog at si Mikee. Kaarawan nilang dalawa kahapon (legal na si Mikee). At ng maligayang kaarawan kay Jay Catiis ngayon, sana ay naging kasing ligaya ko rin sila.
Ngayon ay nag-aaral ako para sa perio at pinapangako ko na hindi na ako tatamarin. KAhit na mahirap, mayroon naman akong inspirasyon, magvi-videoke kami sa Biyernes.
(P.S. Ayoko sanang pumili sa pagitan ng presscon at ng perio, ngunit kaya ko pinili ang perio ay dahil naiisip ko na baabgsak rin lang ako sa Econ, ayokong isipin nila nabumagsak ako dahil sa Lagablab, na mahal na mahal ko. Patawad.)
|
Inosente lang ang nagtataka.