
Setyembre 10, 2007 8:41 PM
Bloggers Kapihan 1
Noong nakaraang Sabado, nagpunta ako sa Bloggers Kapihan 1 na ginanap sa ASTB AVR sa Pisay bilang isa sa mga kinatawan ng aming pahayagan (Lagablab). Kahit na hindi ako kasapi ng patnugutan ng balita, naging mapalad ako dahil napili akong isama ni Ada (Patnugot ng Balita). Bukod kay Ada, kasama ko rin si Mac Mac, Jay at Llenel.
Hindi ko inakala na magiging kapaki-pakinabang ang pagdalo ko sa Bloggers Kapihan 1. Aaminin ko, ang tanging inabangan ko lamang rito ay ang pagsasalita ni Manuel L. Quezon III. Bukod sa kawindang-windang niyang rebelasyon, marami pa akong ibang natutunan mula sa mga nagsalita. Nalaman ko na isang mahalagang paraan pala upang ipahayag ang sarili sa mundo ang pagblo-blog. Para akong binatukan sa ulo ng mga speaker. Wala na nga pala akong dahilan upang ipagpaliban ang pag-abot sa aking mga kalahi dahil sa pinaka-pambihirang imbensyon ng milenyo: ang internet. At dahil din sa pagkakabatok sa akin, naipanganak ko ang blog na ito. Sana ay maging malayo ito sa basurang kinahantungan ng dati kong blog(
http://www.jewelofearth.blogspot.com/ , wag nyo na puntahan).
Sana ay suportahan niyo ang mga susunod na proyekto ng Bloggers Kapihan at sama sama nating baguhin ang mundo.
P.S. Hehe. Nakita ko si Maki.
|
Inosente lang ang nagtataka.