Maligayang pagbuklat sa Alamat ng Hari!
Dahil bawat isa sa atin ay may pinagmulang nararapat lamang balikan, tayo ay may isang alamat na nagbibigay kulay sa halu-halo nating pagka-Pilipino!
Ang Alamat ng Hari ay isang blog na naglalayong maging tulay ng lumang tinig sa makabagong daigdig. Ito ay naglalaman ng mga akdang pampanitikan, mga tala sa pang-araw araw na buhay ng may-akda at kung anik-anik pa.
Si Giselle Diaz ay kasalukuyang nasa ika-apat na taon sa Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham. Siya rin ang punong patnugot ng Lagablab, ang opisyal na pahayagan ng nasabing paaralan sa Filipino. I-Emerald II-Adelfa III-Cesium IV-Graviton